332 - Matibay na Kuta

Matibay na kuta ang Diyos,
Moog natin kailanman;
Sa dagsa ng hirap, lunos,
S'ya'y katulong na laan.
Pagka't ang kaaway
Na pumipighati,
Sa kapangyariha't
Lupit na masidhi,
Diyos ang makagagapi.

Kung sa 'ting lakas nang hawak,
At di sa tao ng Diyos;
Ang ating pagsusumikap,
Bigo na sanang lubos.
Inyong itatanong,
Sinong tao Siya?
S'ya is Jesu-kristong
Hindi nag-iiba,
At magwawagi t'wina.

Binabagabag man tayo
Ng sanlibutang banday,
Na puno ng mga d'yablo,
Tayo'y magtatagumpay.
Hindi mangangamba
Sa haring dilim;
Ating mababata
Dulot niyang lagim,
Pagka't s'ya'y lilipulin.

Salitang higit sa lahat,
Di pinasalamatan;
Espiritu't mga kalo'b,
Sa Kanya'y kinakamtan.
Ang tinatangkilik
At buhay na ito,
Mapapawi nila,
Diyos ang saklolo,
At S'ya ang mananalo.

0:00 0:00